Arsenic Lobster
poetry journal |
Issue Nine Winter 2005 |
|
Sa Hatinggabi In Midnight Yvonne Hortillo Sa itim na mundo kay daling magimbita ng mga halimaw, tunay at imbento: A world black is an easy invite for demons real and imagined: Na kung nais lumitaw ng patalim nariyan, bumubulag sa kinang That when a blade wishes to rise it does, its shine blinding At umaakit sa kinis; na kung nais lumabas ng banging walang hanggan, And its smoothness inviting; that when the endless canyon wishes to come, Iitim ang lupa sa iyong mga talampakan at bubukas - wala nang ibang The earth under your step pitches black and opens - no more Lakbay na tatawirin. Maaari, na kung nais mong umulan at mapuno ng tubig Journeys to cross. It is possible to wish for rain to fill Ang bangin para maging walang-hanggang lawa ng luha, para ika'y kunin. ... A ravine to make a fathomless lake of tears, so that it takes you. ... Sa lalim ng gabi lamang bakas sa langit ang walang-hanggang mga tala, Endless stars surface only in deep night, Sa lalim ng gabi lamang payapang malasalamin ang lawa ng luha, The lake of tears is peacefully mirrorlike only in deep night, At sa yakap ng hamog, nadama mo ang lundag ng iyong puso - sa wakas And with dew's embrace, your heart leaps - finally Mga halimaw ay tumakas, mga anino'y lumayas The demons flee, the shadows bolt Lumulutang kang pahimpapawid mahimbing. Panapa. Malaya. You float heavenward restful. Tranquil. Free. |
|
About Yvonne Hortillo |